Suriin Ang Paniniwala Ni Basilio Na Ang Karunungan At Katarungan Ay Higit Na Mabuti Kaysa Sa Isang Balak Na Ikakapahamak Ng Lahat

Suriin ang paniniwala ni Basilio na ang karunungan at katarungan ay higit na mabuti kaysa sa isang balak na ikakapahamak ng lahat

El Filibusterismo

Basilio

Ang paniniwalang ito ni Basilio ay masasabi ko na makatwiran at hindi senyales ng karuwagan. Tulad ng himagsikan, may mga bagay na kailangan na pinag - isipang mabuti. Ang pagkakaroon ng karunungan ng mga panahong ito ay isang mabisang paraan upang ipakita sa mga kastila na ang mga Pilipino ay hindi basta - basta. Kaakibat nito, ang pagpapairal ng katarungan ay hindi rin dapat basta basta, Ibig sabihin kailangan na ito ay pagplanuhan. Ito ang bagay na nais ipahiwatig ni Basilio ng turan na ang mga katagang nabanggit. Hindi dahil ayaw niya ng himagsikan kundi dahil hindi pa buo sa loob niya ang paghihimagsik. Bukod dito, inaalala din niya ang kapakanan ng nakararami. Ayaw niya na madamay ang kanyang mga kamag - aral at kaibigan na tulad ng pag aalala na nabakas niya sa mukha ni Isagani ng ito ay imbestigahan ng mga  prayle ukol sa pamumuno sa himagsikan. Ang labis na takot sa mukha ng binata ay tumatak sa kanyang isipan kaya naman minabuti niya na hindi makialam sa kung anuman ang plano ni Simoun. Para sa kanya may tamang panahon kung kailan dapat isagawa ang paghihimagsik at hindi dapat mapahamak ang mga taong walang kinalaman.


Comments

Popular posts from this blog

Slogan Para Sa Tamang Paggamit Ng Social Media Platforms???? Tagalog.